Inanunsyo ng Meralco na pinababa nila ang singil sa kuryente ngayong Enero, ikalawang buwan na ng tuloy-tuloy na pagbaba, dahil sa mas mababang singil sa transmission at generation.
Bababa ang rate ng 16.37 centavos kada kWh, mula P13.1145 noong Disyembre tungo sa P12.9508, o humigit-kumulang P33 na bawas sa buwanang bill ng karaniwang sambahayan (200 kWh).
Bumaba rin ang residential transmission rate sa P1.0368 kada kWh dahil sa mas mababang ancillary service charges mula sa NGCP, habang ang generation charges ay bumaba ng P0.0171 kada kWh dahil sa mas mura na WESM at PSA charges.
Kasabay nito, nagbabala ang Meralco sa panganib ng pagnanakaw ng kable at kagamitan sa kuryente matapos maapektuhan ang halos 8,000 customers sa Quezon City.
Pinaalala ng Meralco na delikado ang direktang kontak sa energized facilities at maaaring magdulot ng seryosong pinsala o kamatayan.
Meralco ang nangangasiwa ng distribusyon ng kuryente sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at ilang bahagi ng Batangas, Laguna, Pampanga, at Quezon. | via Allan Ortega
