Meralco binawasan ang energy sales forecast para sa 2025

Ibinaba ng Manila Electric Co. (Meralco) ang forecast nito sa energy sales para sa 2025 dahil sa mga hamon sa merkado at malamig na panahon na nagpababa ng demand.

Ayon kay Ferdinand Geluz, senior vice president at chief revenue officer ng Meralco, inaasahan na lamang nilang tataas ng 1% hanggang 2% ang benta mas mababa sa dating projection na 4% hanggang 4.5%.

Dagdag pa niya, ang pagbaba ay dulot ng epekto ng industriya, klima, at mga factor na pang-ekonomiya tulad ng pag-alis ng mga POGO, pagtaas ng commercial vacancies, at tensyon sa Middle East at US tariffs.

Sa unang kalahati ng 2025, bahagya lang ang pagtaas ng benta sa enerhiya mas mababa sa 1% mula 26,954 GWh noong nakaraang taon patungong 27,091 GWh. Ang commercial sector ang may pinakamalaking bahagi (37%), habang ang residential ay 36% ng kabuuang konsumo.

Ayon kay Manuel V. Pangilinan, inaasahan ding mas mabagal ang paglago ng Meralco distribution business ngayong taon. Maging ang Maynilad ay nakakaranas din ng mabagal na demand, aniya.

Sa kabila nito, aasahan ng Meralco ang power-generation arm nito para maabot ang layuning P50B core profit ngayong taon. Sa unang kalahati pa lang, tumaas na ito ng 10% sa P25.5B. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *