Meralco at Kepco pinagtibay ang pagtutulungan para sa new power tech

Mas pinalalakas ng Meralco, sa pamumuno ni Manuel V. Pangilinan, ang pakikipagtulungan nito sa Korea Electric Power Corp. (Kepco) upang paunlarin ang teknolohiya sa enerhiya, kabilang ang nuclear power.
Pinirmahan ng dalawang kumpanya ang isang kasunduan para sa pagpapalitan ng kaalaman at pagpapabuti ng mga sistema tulad ng renewable energy, smart grids, microgrids, energy storage, electric vehicles, at smart metering.
Ayon kay Pangilinan, layunin ng alyansa na gawing mas matalino at matibay ang sektor ng enerhiya sa bansa. Noong Nobyembre, sumang-ayon na rin ang Meralco at Kepco na isulong ang paggamit ng smart metering technology sa Pilipinas. | via Allan Ortega | Photo via bilyonaryo.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *