Medical evaluation ni Duterte sa ICC, inaasahang ilalabas ngayong linggo

Ngayong linggo inaasahang ilalabas ng medical experts ng International Criminal Court ang report nito tungkol sa medical condition ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dito malalaman kung ‘fit or unfit to stand trial’ ang walumpung-taong gulang na dating presidente na humaharap sa kasong crimes against humanity bunsod ng kaniyang war on drugs na kumitil ng libo-libo katao.

Ayon sa legal counsel ni Duterte na si Nicholas Kaufman, nakatakdang lumabas sa December 5 ang medical evaluation report ng ICC-accredited expert panel.

Kung papabor kay Duterte ang findings, magiging patunay umano ito na tama ang kanilang mga submissions na hindi kaya ng akusadong humarap sa korte at tumagal sa mahabang paglilitis.

Isusumite naman ng korte ang tugon sa findings ng mga medical expert sa December 12.

Samantala, ikinagulat umano ni Kauffman ang naging desisyon kamakailan ng ICC Appeals Chamber na ibasura ang appeal for interim release ni Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *