Media, pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino laban sa korapsyon —Pulse Asia

Mataas ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa media pagdating sa paglaban sa katiwalian kumpara sa mga ahensya ng gobyerno at civil society groups, ayon sa pinakabagong Pulse Asia survey.


Lumalabas na 51% ng mga Pilipino ang may “malaking tiwala” sa media, habang 50% naman sa mga non-government watchdogs o civil society groups, lalo na pagdating sa isyu ng corruption sa mga flood-control projects.


Kabaligtaran nito, mababa ang tiwala sa mga ahensya ng gobyerno 81% ang hindi nagtitiwala sa Department of Public Works and Highways (DPWH) habang 45% naman ang walang tiwala sa Pangulo.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi apektado ng numero ang pagtatrabaho ng Pangulo para sugpuin ang korapsyon sa bansa.

Samantala, ang tiwala sa trabaho ng Senado ay nasa 37%, sa House of Representatives ay 25%, at sa Office of the Ombudsman ay 39%.


Para naman sa bagong tatag na Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay nakakuha lamang ng 23% trust rating na may 56% ng publiko ang hindi pa sigurado sa kredibilidad nito.


Isinagawa ang survey noong Setyembre 27–30, 2025, sa 1,200 adult respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews, na may ±2.8% margin of error. | via Allan Ortega/Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *