MCU nag-aalok ng libreng tuition, 1,320 scholarship slots

Manila Central University (MCU) may pabonggang alok—hanggang 100% discount sa tuition para sa mga estudyanteng mag-eenroll sa piling kurso! Kabilang dito ang mga bagong programang inilunsad noong Disyembre 2024:
✅ BS Entertainment & Multimedia Computing (Digital Animation Technology)
✅ BS Entrepreneurship
✅ BA Communications
✅ BS Radiologic Technology
✅ BS Hospitality Management
✅ BS Tourism Management
Bukod pa riyan, may 120 scholarship slots din sa business at tech programs tulad ng:
🔹 BS Business Administration (Operations & Marketing Management)
🔹 BS Computer Science
🔹 BS Accountancy
🔹 BS Information Technology
Lahat-lahat, 1,320 scholarship slots ang bubuksan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng MCU!
Ayon kay MCU President Dr. Renato C. Tanchoco Jr., nais nilang bigyan ng oportunidad ang mga estudyanteng nangangarap ng de-kalidad na edukasyon.
Punta na sa Purple Fest, MCU’s open-house fair, sa Marso 22! O bisitahin ang kanilang website para sa iba pang detalye. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *