Hindi pinalagpas ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mag asawang Sarah at Curlee Discaya na bumibida ang pangalan ngayon sa isyu ng flood control anomaly.
Sa ikatlong Senate hearing, binira ng alcalde ang umano’y salusalungat at magulong pahayag ng mga Discaya. Aniya, tila ginagawa lang ng mag asawa ang lahat para maging state witness at makalusot sa pagkakakulong.
Duda rin si Mayor Vico sa pahayag ng mag asawang Discaya na nasa 2-5% lang kanilang kinikita sa bawat kontratang kanilang pinapasok. Hindi raw umano magiging bilyonaryo ang mag asawa kung ganito lang kaliit ang kanilang nakukuha.
Pinalalahanan din ni Sotto ang mga mambabatas at ang publiko sa kanyang Facebook post na wag magpapauto sa mag asawa dahil may kakayahang magsinungaling ang mga ito tulad ng ginawa noong nagdaang kampanya.
Matatandaan na naging mahigpit na magkalaban ni Mayor Vico Sotto at si Sarah Discaya para sa pagka alkalde ng Pasig City. | via ABJR, D8TV News
#D8TVNews #D8TV