Mayor Akmad Ampatuan, nakaligtas sa ambush

Nakaligtas ang si Shariff Aguak, Maguindanao del Sur Mayor Akmad Ampatuan sa nangyaring pananambang sa kanyang convoy nitong Linggo ng umaga, January 25.

Ayon sa executive assistant nitong si Anwar Kuit Emblawa, sakay si Ampatuan ng kanyang bulletproof na SUV nang tambangan sila sa Barangay Poblacion.

Ito na umano ang ikaapat na beses na na-ambush at nakaligtas ang alkalde.

Tinamaan naman ng bala ang kanilang backup vehicle.

Dalawa sa escort ni Ampatuan ang nagtamo ng sugat na agad namang nagamot sa Bangsamoro Regional and Medical Center sa Datu Hoffer.

Napatay naman sa hot pursuit operation ang tatlo sa umano’y nanambang kay Ampatuan. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *