Mayon Volcano, nananatili sa Alert Level 3; uson, namataan sa tuktok ng bulkan

Namataan sa tuktok ng Mayon Volcano ang pinakamalaking pyroclastic density current (PDC) o uson na nabuo bandang alas-10:35 ng umaga nitong February 9.

Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa taas na 1-kilometro ang uson at nagdulot ng ashfall sa may timog-kanluran kung nasaan ang ilang barangay ng Camalig at Guinobatan, Albay.

Matatandaan na naitala ng PHIVOLCS ang pag-agos ng lava mula sa bunganga ng Bulkang Mayon noong Sabado, February 7, alas-6:03 ng gabi

Mahigit isang buwan nang sumasailalim ang bulkan sa effusive eruption na bumubuo ng incandescent lava flows, uson, at rockfalls.

Mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius na Permanent Danger Zone dulot ng pananatili ng bulkan sa Alert Level 3.

Patuloy na sinusubaybayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Bulkang Mayon. | via Kimberly Reyel, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *