Maynilad tataas ang singil, Manila Water bababa ngayong Oktubre

Taas-baba ang singil sa tubig simula Oktubre. Ayon sa MWSS, tataas ang singil ng Maynilad habang bababa naman ang Manila Water.

Sa West Zone (Maynilad), madadagdagan ng ₱0.14 kada cubic meter ang singil. Ibig sabihin, kung 10 cubic meters lang ang konsumo mo, may dagdag na ₱0.40 sa bill; ₱1.53 para sa 20 cubic meters, at ₱3.13 kapag 30 cubic meters.

Sa East Zone (Manila Water), mababawasan ng ₱0.15/cubic meter. Kung 10 cubic meters lang ang gamit, bawas ₱0.64 sa bill; ₱1.43 sa 20 cubic meters, at ₱2.91 sa 30 cubic meters.

Wala namang galaw sa singil ng mga low-income households na sakop ng lifeline program.

Ang adjustment ay dahil sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) na nire-review kada quarter, para mabawi o maibalik ang epekto ng palitan ng dolyar sa mga pautang ng mga water concessionaire. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *