Maynilad may water service interruption sa Nobyembre 19–20

Magkakaroon ng pansamantalang water interruption sa ilang bahagi ng Makati, Manila, Parañaque at Pasay mula Nobyembre 19 hanggang 20 dahil sa pipe realignment na kailangan para sa bagong istasyon ng Philippine National Railway (PNR).


Ayon sa Maynilad, iri-realign nila ang 1,350 mm diameter pipe upang bigyang-daan ang konstruksyon ng New Paco Train Station. Kasabay nito, isasagawa rin nila ang ilang parallel activities para masulit ang downtime at mapabuti ang serbisyo, kabilang ang Interconnection ng 1,400 mm at 1,350 mm diameter pipes sa Quirino Avenue malapit sa Philippine Columbian Association Building at Interconnection ng parehong laki ng pipes sa Quirino Avenue malapit sa lumang Paco Station tapat ng Plaza Dilao.


Sabi ng Maynilad, makatutulong ang mga gawaing ito para mabawasan ang water losses at mapahusay ang supply at pressure ng tubig sa mga apektadong lugar.


Inilista ng Maynilad sa kanilang social media ang kumpletong listahan ng apektadong lugar. Pinapayuhan ang mga customer na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nakatakdang trabaho.


Magpapadala rin ang Maynilad ng mobile water tankers para sa mga nangangailangan ng potable water, at nagbigay sila ng mga tips para sa smart water storage. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *