Maynila, magbabawas ng paggamit ng petrolyo

Iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa lahat ng ahensiya ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na magbawas sa paggamit ng produktong petrolyo.

Sa live broadcast ng “Talk To The People” ngayong Lunes ng umaga, Marso 2, sinabi ng alkalde na bahagi ito ng paghahanda sa posibleng epekto ng tensyon at kaguluhan sa Middle East sa suplay at presyo ng langis.

Sa ilalim ng Executive Order No. 7, inaatasan ang lahat ng opisina at departamento ng lungsod na bawasan ang konsumo ng petrolyo sa mga sasakyan, generator, heavy equipment, at iba pang fuel-using assets.

Ayon sa alkalde, kinakailangang nilang kumilos agad para maprotektahan ang pondo ng bayan, matiyak ang tuloy-tuloy na mahahalagang serbisyo-publiko, at mabawasan ang epekto ng posibleng kakulangan at pagtaas ng presyo ng langis.

Dagdag niya, ito ay bahagi ng maagap at responsableng hakbang ng lokal na pamahalaan upang manatiling handa at matatag sa gitna ng pandaigdigang hamon.| via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *