May panibagong C-208B aircraft na naman ang Philippine Air Force

Mas lumakas pa ang Philippine Air Force matapos opisyal na tanggapin ang ika-apat na Cessna C-208B Caravan EX aircraft ngayong taon! Pinangunahan mismo ni PAF chief Lt. Gen. Arthur Cordura ang turnover at blessing ceremony sa Villamor Air Base, Pasay City.

Ang bagong eroplano ay kayang magsagawa ng troop at cargo transport, medical evacuation, surveillance, intelligence, at humanitarian missions. Dumating ito sa Clark Air Base noong April 16 at dumaan sa masusing inspeksyon.

Galing ito sa Textron Aviation sa Kansas, USA at binili gamit ang 2023 national budget sa tulong ng Servo Aerotrade Services, Inc. Bahagi ito ng tuloy-tuloy na modernisasyon ng PAF sa ilalim ng AFP Modernization Program.

Bukod dito, nitong 2024 lang ay tumanggap na rin ang PAF ng 2 T-129 ATAK helicopters, 10 Blackhawk helicopters, radar system, air defense system, at isang C-130H transport aircraft mula sa US.

Layunin nito na mas palakasin ang defense capability ng bansa lalo na ngayong papalapit ang midterm elections. | via Lorencris Siarez | Photo via PAF

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *