May mga panandaliang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa

Magiging maayos ang panahon sa karamihan ng bansa ngayong Martes, ayon sa PAGASA, pero may panandaliang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies o mainit na hanging galing silangan.

Bagaman maganda ang panahon sa maraming lugar, inaasahan pa rin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, Cagayan Valley, Aurora, at Quezon.

Babala ng PAGASA posibleng magdulot ng flash floods o landslides ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.

Ayon kay forecaster Obet Badrina, wala nang epekto sa bansa ang dating Bagyong Ramil.
Samantala, moderate hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na dagat ang mararanasan sa extreme northern Luzon, habang banayad hanggang katamtaman naman ang hangin at alon sa ibang bahagi ng bansa. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *