May makakalaban pala si Davao City incumbent Mayor Baste Duterte?

Kilalanin si Dr. Bernard “Bernie” Al-ag – Katunggali ni Baste Duterte sa Posisyon ng Bise Alkalde ng Davao City sa 2025 Midterm Elections

“Serbisyong Tapat, Pagbabagong Makatarungan”

Sino si Bernie Al-ag?

Dating Bise Alkalde ng Davao City
Apat na beses na konsehal (dalawang beses nangunguna sa boto)
Lisensyadong Optometrist
Negosyante
Aktibong tagapagtaguyod ng komunidad

Mahigit 16 na taon nang naninilbihan sa pamahalaang lokal si Bernard “Bernie” Al-ag. Isa siyang propesyonal sa kalusugan at negosyante, ngunit ang puso niya ay nasa serbisyo-publiko. Ang kanyang pamumuno ay nakatuon sa tapat na paglilingkod, pananagutan, at agarang tugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Mga Paninindigan at Adbokasiya:
Suporta sa mga may Kapansanan (PWDs)
Pagtutulak ng mga programang inklusibo, maayos na pasilidad, at kabuhayan para sa kanila.
Pagsusulong ng Malusog na Pamumuhay
Pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan sa komunidad, mental wellness, at pag-iwas sa sakit.
Pagpapatatag ng Pamilyang Pilipino
Pagpapahalaga sa kabataan, edukasyon para sa magulang, at partisipasyon ng komunidad.

Kapayapaan at Kaayusan

Pagtataguyod ng tamang proseso, patas na pagpapatupad ng batas, at bukas na pamahalaan.
Ang Laban sa 2025

Bagama’t nangunguna sa survey si incumbent Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, dumarami ang sumusuporta kay Bernie Al-ag dahil sa kanyang mensahe ng tunay na serbisyo at matinong pamumuno. Naniniwala siya sa sistema ng check and balance, at sa isang gobyernong nakikinig at kumikilos para sa lahat—hindi lang sa makapangyarihan.

Mensahe ni Bernie para sa mga Dabawenyo:
“Davao City deserves leaders who listen, act with compassion, and serve without fear or favor. Ang serbisyo dili dapat kabalhin-balhin, ug ang tinuod nga pagbag-o magsugod sa lider nga mubarog para sa katawhan.”

Biglaang Pagkatanggal ni Bernie sa Hugpong sa Tawong Lungsod

Matapos ang ilang taong katapatan sa Hugpong sa Tawong Lungsod, bigla na lamang siyang inalis sa grupo—kasabay ng kanyang pagtuligsa sa mga isyu sa konseho gaya ng pagkaantala sa pagproseso ng business permits. Hindi siya natakot magbunyag ng mga pagkukulang na nais sanang itago ng ilan—kabilang na ang mga isyung pilit kinukubli ng mga ‘untouchable’ na opisyal. | D8TV News Research | Photo via Bernie Al-ag FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *