Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa umiiral na habagat, ayon sa PAGASA ngayong Lunes.
May paminsan-minsang ulan sa mga sumusunod na lugar Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan at La Union (inaasahang may malalakas na pag-ulan).
Kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog naman ang mararanasan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Occidental at Oriental Mindoro, Cordillera at natitirang bahagi ng Central Luzon.
Maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa ang katamtaman hanggang malalakas na ulan.
Sa ibang bahagi ng bansa panaka-nakang ulan o thunderstorm pa rin dahil sa habagat. Malalakas na hangin at maalon na karagatan sa extreme Northern Luzon. Katamtaman hanggang malalakas na hangin at alon sa kanlurang bahagi ng Luzon at sa iba pang lugar banayad hanggang katamtaman.
Panatilihing naka-monitor sa weather advisories at mag-ingat sa posibleng pagbaha o landslide. | via Allan Ortega | Photo via DOST-PAGASA
#D8TVNews #D8TV