Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang sama ng epekto ng Low Pressure Area (LPA) at habagat sa malaking bahagi ng bansa.
Namataan ang LPA sa layong 365 km silangan ng Maasin City, Southern Leyte kaninang umaga. Mababa ang tsansa nitong maging bagyo sa susunod na 24 oras, pero magpapaulan ito sa Visayas, Bicol, Northern Mindanao, Caraga, at Quezon.
Dahil sa habagat, makararanas din ng ulan at kulog ang Zamboanga Peninsula, Occidental Mindoro, at Palawan. Sa Metro Manila at iba pang lugar, bahagyang maulap na may panandaliang ulan o pagkulog-bagyo.
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan. Katamtaman din ang hangin at alon sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas, habang banayad hanggang katamtaman naman sa ibang lugar. | via Allan Ortega | Photo via DOST-PAGASA
#D8TVNews #D8TV