Hindi makakatakas sa ulan ang halos buong Pilipinas ngayong Araw ng Kalayaan, ayon sa PAGASA! Mula Luzon hanggang Mindanao, asahan ang ulan at thunderstorm dulot ng habagat at isang Low Pressure Area (LPA) malapit sa Calayan, Cagayan.
Binabantayan ang LPA dahil posibleng maging bagyo ito sa loob ng 24 oras! Sa ngayon, pinapaulanan na nito ang Batanes at Cagayan.
Sa mga may planong lumabas ngayong holiday magdala ng payong at mag-ingat sa baha at landslide, babala ni forecaster Grace Castañeda.
Malakas na ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro. Pana-panahong ulan naman Metro Manila, La Union, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Palawan, Antique. May Kalat-kalat na ulan naman sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas, Zamboanga Peninsula, Dinagat Islands, Surigao del Norte at paisa-isang buhos sa natitirang bahagi ng Mindanao.
Moderate hanggang malakas na hangin at maalon na dagat sa hilaga at kanlurang Luzon.
At ang good news wala pang epekto si Tropical Storm Wutip na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV