Patuloy na tumataas ang water level sa Cagayan de Oro River sa Northern Mindanao ngayong Biyernes, as of 7:10 ng umaga ‘yan kanina, bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng ulan dala ng Bagyong Basyang.
Dahil sa lakas ng agos ng tubig, lumalaki ang banta ng pagbaha sa mga komunidad na malapit sa ilog, kaya patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad.
Sa Iligan City, inanod ng rumaragasang baha ang ilang sasakyan sa Mahayahay Highway matapos ang matinding pag-ulan.
Mahigpit na pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa tabing-ilog at mabababang lugar na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na anunsyo, at maging handa sa posibleng paglikas kung kinakailangan.
Patuloy namang mino-monitor ng mga lokal na pamahalaan ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang nananalasa ang bagyo.
