Matatanda at PWD, inabuso sa pasilidad sa Bukidnon

Isinara ng DSWD ang isang pribadong caregiving facility sa Bukidnon matapos matuklasang tatlong taon na nitong minamaltrato ang matatanda at PWD na residente habang walang kaukulang permit at lisensya.


Ang pasilidad ay pinapatakbo ng Bukidnon Multi-Sectoral Services Foundation Inc. (BUMSSEFI) at matagal nang inirereklamo ng mga residente dahil sa sigawan ng mga gutom na pasyente at mabahong amoy na umaabot sa kapitbahay.

Ayon sa barangay at lokal na opisyal, “open secret” na raw ito sa bayan ngunit walang umaksyon noon.


Nang ipinatupad ang closure order noong Oktubre 10, tumambad sa DSWD ang maruruming silid, mabahong paligid, at kawalan ng propesyonal na tagapag-alaga.

Lumabas din na wala silang doktor o nurse, at sinisingil pa ng P6,000 kada buwan ang mga pamilya ng pasyente.


Inilipat na ang 17 residente sa isang state-run care facility sa Manolo Fortich habang patuloy ang imbestigasyon sa mga paglabag ng BUMSSEFI sa kalinisan, kaligtasan, at pangangalaga sa tao. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *