Mas mataas na taripa ng U.S., ipatutupad sa Agosto 1

Nagbanta si dating US President Donald Trump na itataas ang mga taripa o buwis sa mga produkto mula sa iba’t ibang bansa simula Agosto 1, at magpapadala na ng mga opisyal na abiso mula Hulyo 9. Target nito ang mga bansang hindi pa pumapayag sa trade deals o sumusuporta sa tinaguriang “anti-American policies” ng BRICS bloc (Brazil, Russia, India, China, South Africa, at iba pa).

Layunin ng bagong patakaran na pilitin ang mga bansa na makipagkasundo sa US. May mga bansang gaya ng India, Thailand, at Vietnam na ngayo’y nagmamadaling makipag-ayos upang makaiwas sa taas-singil. May posibilidad rin na palugit ang ibigay sa mga bansang aktibong nakikipagnegosasyon.

Sa panig ng administrasyon ni Trump, sinabing 18 pangunahing trading partners ang pinatututukan mga bansang may pinakamalaking bahagi sa US trade deficit. Sa ilalim ng bagong polisiya, may dagdag 10% na taripa para sa mga bansang pro-BRICS. | via Allan Ortega | Photo via Reuters

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *