Mas mataas na singil sa kuryente ng Meralco, inaasahan ngayong April

Posibleng tumaas ang singil sa kuryente ngayong April dahil sa sobrang init ng panahon! Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, tumataas ang generation at transmission charges dahil sa masikip na supply at matinding demand ng kuryente.
Tumalon sa P5.34 kada kWh ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) nitong March—pinakamataas sa loob ng pitong buwan! Noong February, P2.73 lang ito. Halos 1,000 megawatts ang nawala sa average capacity habang lumobo rin ng mahigit 1,000 MW ang demand!
Dagdag pa ni Zaldarriaga, tataas din ang ancillary service charges o singil sa reserbang kuryente, kaya mas malaki ang transmission cost sa darating na billing.
Pero may kaunting ginhawa—P19.96-bilyong refund mula sa Meralco ang sisimulan na, bawas P0.19 kada kWh sa bill ng mga residential customer sa loob ng 36 buwan. Makikita ito sa power bill bilang hiwalay na linya.
Noong nakaraang buwan, P0.26 kada kWh ang itinaas ng singil sa kuryente. Kaya kung hindi magtitipid, tiyak na masakit sa bulsa ang bill mo ngayong buwan. | via Lorencris Siarez | Photo via flipboard.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *