Mas mataas na singil sa kuryente inaasahan ngayong tag-init — ERC

Dagdag pasanin!

Posibleng mas mataas kaysa karaniwang price adjustment, ang dagdag-singil sa kuryente ngayong tag-init, ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), dahil sa pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay ERC Chairperson Francis Saturnino Juan, tataas ang gastos sa pag-angkat ng oil, coal, at natural gas, na mga pangunahing gamit sa power plants, na magdudulot ng pagtaas ng electricity rates.

Batay sa pagtaya ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines, maaaring umabot sa P2 hanggang P4 kada kilowatt-hour (kWh) ang dagdag sa singil.

Posibleng maramdaman ang taas-singil simula Abril, kasabay ng inaasahang pagtaas ng demand sa kuryente tuwing summer.

Ipinaliwanag ni Juan na kung P1 kada kWh ang itataas, ang konsumo na 200 kWh ay maaaring magdagdag ng humigit-kumulang P200 sa buwanang bill, bukod pa sa iba pang posibleng adjustments tulad ng ancillary services.

Dagdag pa niya, maaaring ipatupad ang staggered increase kung magiging masyadong mataas ang singilin, at posible ring masuspinde ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung kukulangin ang suplay ng kuryente sa grid.

Payo ng ERC, makatutulong ang pagtitipid sa konsumo ng kuryente at ang paggamit ng renewable energy tulad ng rooftop solar panels upang mabawasan ang gastos sa kuryente.| via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *