Hindi pa tapos ang laban kontra droga sa karagatan! Noong June 16, 2025, nakahuli ang mga mangingisda ng isang sako ng hinihinalang shabu sa pagitan ng Babuyan Island at Gonzaga, Cagayan — 15 pakete, halos 15 kilo, at may halagang ₱102 milyon! Kinabukasan, may isa pang pakete ng shabu na palutang-lutang sa dagat malapit sa Camiguin Island at Cape Engaño, Sta. Ana, Cagayan — dagdag ₱2.7 milyon!
Agad itong isinuko ng mga tapat na mangingisda sa PDEA RO 2 at PRO 2. Ayon kay PDEA Chief Isagani Nerez, ito ay patunay na gumagana ang “Project: SPIES” ng Cagayan Police — isang security initiative para higpitan ang pagbabantay sa mga baybayin laban sa drug smuggling.





Dagdag pa ni Nerez, puro sa Luzon waters nangyayari ang recovery, at iniimbestigahan na kung saan talaga ito nanggaling. Baka raw tinangay lang ng alon papunta sa dagat ng Cagayan. Sa parehong araw, may isa pang kilo ng shabu na nahanap sa baybayin ng Pagudpud, Ilocos Norte — isinuplong din sa pulis!
Paalala ng PDEA, kung may makitang palutang-lutang na droga, huwag iuwi — isuko agad! Tandaan, ang simpleng paghawak ng ilegal na droga, may kaakibat na parusa! | via Allan Ortega | Photos and Videos via PDEA
#D8TVNews #D8TV