Mas mahigpit na seguridad sa mga barko ng Pilipinas, ipinatupad

Nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad ang Maritime Industry Authority (MARINA) para sa mga barko ng Pilipinas na bumibiyahe sa international waters.

Sa ilalim ng Advisory No. 2026-08, inatasan ang lahat ng Philippine-registered ships na magpatupad ng heightened security, monitoring, at reporting measures kasunod ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon sa MARINA, mahigpit nitong mino-monitor ang navigational status at lokasyon ng mga barko, lalo na ang mga dumaraan sa mga lugar na may geopolitical concern.

Inaatasan din ang mga shipowner, operator, manager, at manning agencies na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong seafarer.

Nakikipag-ugnayan din ang Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs para sa patuloy na monitoring ng sitwasyon. | via Felix Laban, D8TV Stringer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *