Mas mahigpit na inspekyon sa mga pantalan ngayong Semana Santa

Bilang tugon sa mga insidente ng overloading sa mga pantalan, lalo na sa Batangas Port, nagpatupad ng mas mahigpit na hakbang ang Department of Transportation (DOTr) para tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero at maiwasan ang mga aksidente sa dagat.

Pinangunahan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang inspeksyon sa Batangas Port matapos ang insidente kung saan isang barko ang lumampas sa pinapayagang kapasidad ng pasahero. Bilang resulta, pinaigting ng DOTr ang mga patakaran laban sa overloading, kabilang ang mas mahigpit na inspeksyon at pagpapatupad ng mga umiiral na regulasyon.

“Hindi natin maaaring isantabi ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Ang overloading ay isang seryosong paglabag na maaaring magdulot ng trahedya,” pahayag ni Secretary Dizon.
Kasama sa mga hakbang na ipinatupad ay ang masusing inspeksyon sa mga barko bago payagang maglayag. Pagpapataw ng parusa sa mga shipping companies na lalabag sa mga regulasyon. Pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard para masiguro ang mahigpit na monitoring sa mga pantalan. Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng DOTr para mapabuti ang maritime safety sa bansa. | via Dann Miranda | Photo via Coast Guard District Southern Tagalog

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *