Mary Jane Veloso, humiling sa pamahalaan ng Pilipinas ng kalayaan

Umapela sa pamahalaan si Mary Jane Veloso ng kalayaan upang maalagaan ang kanyang mga mahal sa buhay matapos ang kanyang 16 na taong pagkakakulong nang mahatulan ng kasong drug trafficking sa ibang bansa.

Sa liham na isinulat ni Veloso nitong January 28, hiling niya na palayain siya dahil nahihirapan na siyang makita ang kanyang mga magulang na nagkakaedad nang bumibiyahe ng 8-10 oras mula Nueva Ecija para lang mabisita siya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Hirap na rin umano humagilap ng pera ang kanyang mga magulang para sa pamasahe at pagkaing madadala sa kanya.

Dagdag pa ni Veloso, isang taon mula nang ilipat siya ng kulungan sa bansa kahit na wala itong nagawang masama sa bansa.

Sa kabila nito, nagpasalamat si Veloso sa mga sumusuporta sa kanya maging sa pamahalaan ng Pilipinas at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakapagpauwi sa kanya sa bansa noong December 18, 2024.

Unang pinatawan ng death penalty si Veloso na pinalitan ng 15 taong pagkakakulong sa Indonesia matapos umapela ng pamahalaan ng Pilipinas noong 2015. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *