Marikina Rep. Teodoro vs kasong rape at acts of lasciviousness sa 2 pulis

Dalawang police officers na pawang mga babae ang nagsampa ng reklamo laban kay Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o Acts of Lasciviousness at Article 266-A(2) Rape by Sexual Assault ang inihain laban sa kongresista.

Ayon sa DOJ, naging close-in security ni Teodoro ang dalawa sa magkaibang panahon.

Mariin namang itinanggi ng kongresista ang paratang laban sa kanya.

Sa inilabas na pahayag nito, tinawag niyang “politically motivated” dahil gawa-gawa lamang ito para sirain ang kanyang reputasyon.

Samantala, panawagan ni Teodoro na magkaroon ng impartial at malinis na imbestigasyon ang mga paratang na ipinupukol laban sa kanya. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *