Mariah Carey darating sa Pilipinas para sa kanyang concert sa October

Darating si Mariah Carey sa Pilipinas para sa kanyang concert sa October!
Gaganapin sa October 14, ang show na ito ay bahagi ng kanyang “The Celebration of Mimi” tour sa Asia. Sa social media, inanunsyo ni Mariah na dadalhin niya ang “The Celebration of Mimi” sa buong mundo bilang paggunita sa kanyang album na The Emancipation of Mimi (2005).
Wala pang ibang detalye tungkol sa concert maliban sa petsa. Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa kanyang tour ang Japan, China, at Thailand.
Huling bumisita si Mariah sa bansa noong 2018 para sa #1s Tour—kaya naman matagal-tagal na rin ang paghihintay ng mga Pinoy fans! | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *