Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lalo pang palalakasin ng gobyerno ang modernisasyon at pagpapalawak ng kagamitan ng Philippine Air Force (PAF), bilang tugon sa lumalalang banta sa rehiyon at iba pang hamong pangseguridad.
Sa kanyang talumpati sa ika-78 anibersaryo ng PAF na ginanap sa Villamor Air Base sa Pasay City, pinuri ni Marcos ang Air Force sa matibay nitong paninindigan sa kanilang misyon at sa patuloy na paglawak ng kakayahan nitong ipagtanggol ang kalangitan ng bansa at pagtulong sa komunidad.
“The Philippine Air Force is a force in its own right. It is credible, agile, and essential to our country’s aerospace defense,” ani Marcos, habang binibigyang-diin ang patuloy na presensya ng PAF sa mga operasyon ng pagpapanatili ng national security, disaster response, at law enforcement.
“Habang umaasa ang taumbayan sa inyo, kayo naman ay may maaasahan sa administrasyong ito. Bilang inyong Commander-in-Chief, titiyakin kong buo at tapat ang suporta at malasakit ko sa inyong lahat sa Philippine Air Force,” pangako pa ng Pangulo. | via Clarence Concepcion | Photo via DMW
#D8TVNews #D8TV