Marcos: Respeto sa soberanya ng Pilipinas, non negotiable

Buong tapang na ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules na ang pagrespeto sa soberanya at hurisdiksyon ng Pilipinas ay “non-negotiable”, sa gitna ng umiigting na tensyon at alitan sa karagatang saklaw ng Indo-Pacific region.
Dagdag pa ng Pangulo, bagama’t marami tayong bilateral channels ng komunikasyon at larangan ng kooperasyon, mula noon hanggang ngayon, mananatiling ang paggalang sa ating soberanya, sovereign rights, at hurisdiksyon ay non-negotiable.

Naganap ang pahayag ng Pangulo sa pagbubukas ng Manila Strategy Forum na inorganisa ng Center for Strategic and International Studies sa Solaire Resort and Hotel sa Parañaque City.

Ayon kay Marcos, ang pinakamalaking banta sa kapayapaan at katatagan ay matatagpuan mismo sa rehiyon ng Indo-Pacific na araw-araw ay hinaharap ng Pilipinas.

Ipinahayag din ng Pangulo ang pagkadismaya sa patuloy na pangha-harass ng mga banyagang manghihimasok laban sa mga sasakyang pandagat at mangingisdang Pilipino sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Gayunpaman, nagpasalamat si Marcos sa mga dayuhang kaalyado, kabilang ang Estados Unidos, para sa kanilang patuloy na suporta sa pagpapalakas ng maritime domain awareness at seguridad ng Pilipinas.

Tiniyak din ng Pangulo na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagtatanggol sa teritoryo ng bansa, partikular na ang West Philippine Sea.

Kasabay ng pagdiriwang ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANAMo) ngayong Setyembre, binigyang-diin ng Pangulo na ang pangangalaga sa yamang-dagat at pamana ng Pilipinas ay nakabatay sa mahigpit na pagsunod sa rule of law. | via ABJR, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *