Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang harapin ng gobyerno ang sistematikong korapsyon nang direkta, lalo na ang mga iregularidad na natuklasan niya mismo sa mga flood control project. Ayon sa kanya, makatarungan ang galit ng publiko dahil sa mga “ghost” at substandard na proyekto.
Binuo ng Pangulo ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) para imbestigahan ang mga anomalya sa public works, kabilang ang mga proyektong nabayaran na ngunit hindi itinayo o ginamitan ng mumurahing materyales.
Hinikayat niya ang mga bise gobernador na manguna sa reporma sa kanilang mga lalawigan, at iginiit na ang tunay na paglilingkod ay hindi nakabatay sa kulay ng politika kundi sa puso, konsensya, at gawa.
Babala pa ni Marcos: ang kasakiman at abuso ng kapangyarihan sa gobyerno ay dapat tapusin. Aniya, tanging sa reporma at tapat na pamumuno maibabalik ang tiwala ng taumbayan. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via Bongbong Marcos/Facebook Page
#D8TVNews #D8TV
