Marcos, posibleng bumisita sa White House sa first half ng taon – envoy

Posibleng bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa White House sa susunod na mga buwan upang makipagpulong kay US President Donald Trump, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
Ayon kay Romualdez, maaaring matapos ang pagbisita ni US Defense Secretary Pete Hegseth sa Pilipinas sa Marso 28-29, kung saan makikipagpulong ito kina Marcos at Defense Secretary Gilbert Teodoro.
Sunod namang darating sa Abril si US Secretary of State Marco Rubio. Sinabi ni Romualdez na pagkatapos ng dalawang pagbisitang ito ay malalaman na ang eksaktong petsa ng pagpupulong nina Marcos at Trump.
Kasalukuyang abala si Trump sa negosasyon ng ceasefire sa Russia-Ukraine war, ngunit target pa rin na maisagawa ang pulong sa first half ng taon.
Matatandaang binati ni Marcos si Trump sa pagiging pangulo at sinabing nais niyang mapalakas pa ang alyansa ng Pilipinas at Amerika laban sa lumalawak na impluwensya ng China sa South China Sea. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *