Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules ang pagsira ng higit P9.4 bilyong halaga ng nakumpiskang ilegal na droga sa isang waste management facility sa Capas, Tarlac. Ayon sa Pangulo, gusto niyang personal na masaksihan ang buong proseso—mula huli hanggang sunog.
Kabilang sa sinunog gamit ang thermal decomposition ang 1,304 kilo ng shabu na tinatayang nasa P8.8 bilyon ang halaga, karamihan ay narekober sa karagatan ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Cagayan. Kasama rin ang iba pang substances gaya ng marijuana, liquid shabu, cocaine, ecstasy, at mga expired na gamot.
Ani Marcos, kailangang masigurong hindi na muling makakalat ang mga nasamsam na droga. Maging ang mga drogang walang nahuling suspek ay isinailalim sa legal na pagsira base sa Dangerous Drugs Board rules. Muling iginiit ng Pangulo ang mas pinaigting na kampanya laban sa droga—malaki man o maliit ang operasyon. | via Allan Ortega | Photo via RTVM
#D8TVNews #D8TV