Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Miyerkules ang unang pamamahagi ng cash gifts para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Expanded Centenarians Act of 2024.
Ginanap ang seremonya sa Heroes Hall ng Malacañang, kung saan mahigit P2.9 bilyon ang ipamamahagi ngayong taon sa mahigit 275,000 senior citizens bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lipunan.
Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Marcos ang publiko na huwag kalimutan at patuloy na mahalin ang ating mga nakatatanda. Binigyang-diin niya na karapat-dapat silang bigyan ng pag-aalaga, proteksyon, respeto at pagpapahalaga.
Sa ilalim ng Republic Act 11982, makakatanggap ng P10,000 ang mga senior citizens sa edad na 80, 85, 90, at 95, habang nananatili ang P100,000 para sa mga centenarian. Nagsimula ang implementasyon nitong Enero 2025 sa pangangasiwa ng National Commission of Senior Citizens (NCSC). – via Allan Ortega | Photo via RTVM
Marcos namahagi ng mga cash gifts sa mga benepisyaryo ng Expanded Centenarian Act
