Marcos, nakaramdan ng ginhawa sa pagbabasura ng impeachment complaints; walang komento sa kaso ni VP Duterte

“I’m glad that now the impeachment complaints against me are finished.”

Ganito inamin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakaramdam sya ng ginhawa, matapos ibasura ng Kamara ang mga reklamo na inihain laban sa kanya.

Ayon kay Marcos,  ang pagbasura sa mga reklamo ay magbibigay-daan para ganap na makapagpokus ang administrasyon sa trabaho nito.

Sinabi rin ng pangulo na bagama’t hindi umano siya labis na nabahala sa mga reklamong inihain, ikinatuwa pa rin niya na tuluyan na itong natapos dahil aniya, nagiging sagabal lamang ang mga ganitong isyu sa gawain ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Marcos, batid na umano niya mula sa simula na walang matibay na batayan ang mga reklamong impeachment at itinuturing niya ang mga ito bilang isang hakbang na may motibong politikal.

Nang tanungin naman ukol sa impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte, sinabi ni Marcos na wala siyang reaksyon at iginiit na hindi iyon saklaw ng kanyang tungkulin.

Ayon sa Pangulo, trabaho umano ng House of Representatives ang pagtalakay sa usapin at tiwala siyang gagampanan ng Kamara ang kanilang mandato nang maayos. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *