Marcos nag-utos ng price freeze sa mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng taon

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI) na huwag mag-apruba ng anumang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Palace press officer Claire Castro, bago bumiyahe si Marcos sa Kuala Lumpur para sa ASEAN Summit, inatasan niya ang DTI na bantayang mabuti ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP), lalo na sa imported rice at iba pang pagkain.

Saklaw ng price freeze ang mga produktong gaya ng sardinas, karne sa lata, gatas, kape, instant noodles, tinapay, asin, toyo, patis, suka, kandila, at iba pang pangunahing bilihin.

Dagdag pa ni DTI Secretary Cristina Roque, nakikiisa ang mga manufacturer para mapanatiling matatag ang presyo, lalo na ngayong papalapit ang kapaskuhan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *