Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang P6.793-trillion national budget para sa taong 2026—ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa, ayon sa Malacañang nitong Martes. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang budget ay nakatuon sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.
Sa Cabinet meeting sa Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng edukasyon at serbisyong panlipunan sa paghubog ng isang Bagong Pilipinas na mas progresibo at inklusibo. “Mahalaga ang kapakanan ng bawat isa at ang kinabukasan ng taumbayan,” ani Castro.
Ang National Expenditure Program (NEP) ang nagsisilbing batayan ng Kongreso sa pagbuo ng taunang General Appropriations Act, at dapat itong maisumite sa loob ng 30 araw matapos ang SONA ng Pangulo. Itinakdang ihayag ni Marcos ang kanyang ika-4 na SONA sa Hulyo 28.
Susuportahan ng budget ang mga pangunahing programa sa edukasyon, imprastraktura, digitalisasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan. | via Allan Ortega | Photo via Presidential Photojournalists Association
#D8TVNews #D8TV