Bumanat si Senator Rodante Marcoleta habang sinusuri ang 2026 budget ng National Irrigation Authority (NIA) nitong Huwebes, November 20.
Giit niya, kung seryoso ang gobyerno sa pagpapataas ng produksyon ng bigas, kailangan munang ayusin ang tamang prayoridad at hindi puro pangako sa papel.
Ayon kay Marcoleta, imposibleng maabot ang rice productivity goal kung ipipilit ng gobyerno na i-irrigate ang buong Pilipinas.
Para daw itong proyekto na sinisimulan sa iba’t ibang dako pero halos walang natatapos dahil sabog ang pondo at plano.
Dagdag pa ng senador, kung sentralisado at malinaw ang proyekto, mas may pag-asang tumaas ang ani ng bigas.
Sa ngayon, aniya, kailangan lang ng gobyerno na unahin kung alin ang talagang dapat paglaanan ng pondo para umusad ang produksyon. | via Ghazi Sarip
