Manny Pacquiao, lalaban muli para sa Pilipinas

Muling dadalhin ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao ang bandila ng Pilipinas, pero hindi para sa boksing kundi para sa ibang kompetisyon.

Pangungunahan ni Pacquiao ang Philippine team sa reality show ng Netflix na Physical: Asia kung saan walong bansa ang magtatagisan ng kanilang atletisismo, disiplina, pisikal na kakayahan, at pati na rin kultural na mga tradisyon.

Kasama ni Pacquiao na lalaban ang mixed martial artist na si Mark Mugen, rugby player Justin Coveney, strongman Ray Jefferson Querubin, crossfit athlete Lara Lorraine Liwanag, at national team hurdler Robyn Brown.

Ang mga bansang makakatunggali ng Pilipinas sa Phyical: Asia ay ang Korea, Australia, Thailand, Japan, Mongolia, Indonesia, at Turkiye.

Ipapalabas ang Physical: Asia sa Netflix ngayong paparating na October 2025. | via Kai Diamante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *