Kontrolado na ng Manila Water ang buong operasyon ng malaking dam sa Rizal matapos ang P37.8-bilyong kasunduan para bilhin ang WawaJVCo, Inc. mula sa Prime Infrastructure Inc. at iba pang minor shareholders. Inaasahang matatapos ang transaksyon sa Agosto 2025.
Sa ilalim ng kasunduan, kukunin ng Manila Water ang kontrol sa Tayabasan Weir (may kapasidad na 80 million liters/day at gumagana na mula pa noong 2022) at ang Upper Wawa Dam, na inaasahang magbibigay ng hanggang 710 MLD kapag nag-umpisa ang operasyon sa Disyembre.
Ayon sa Manila Water, makakatulong ito sa mas mahusay na pamamahala ng water supply, gastos at operasyon.
Ang Prime Infra, na pagmamay-ari ng negosyanteng si Enrique Razon Jr., ay siyang parent company ng Trident Water—ang may hawak ng halos 57% ng Manila Water.
Layunin ng pagsasanib na ito na mapahusay ang serbisyo at palakasin ang kakayahan ng grupo sa buong water value chain.
Sakop ng Manila Water ang silangang bahagi ng Metro Manila gaya ng Pasig, Marikina, Makati, Taguig, Mandaluyong, at ilang bayan sa Rizal. | via Allan Ortega | Photo via
Manila Water, kontrolado na ang Wawa Dam sa halagang P37.8 bilyon
