Bring home the “Bacon” ‘yan ang good luck message ni Mayor Isko Moreno para sa mga Batang Pinoy Athletes Team Manila.
Ito ay inihayag ng alkalde kanina sa Bulwagang Villegas sa Manila City Hall.
Ang Batang Pinoy ay itinatag sa bisa ng Presidential Executive Order No. 44 na nilagdaan ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada noong Disyembre 2, 1998. Pormal itong inilunsad noong 1999 sa Bacolod City, Negros Occidental, sa pangunguna ni noo’y PSC Commissioner-in-Charge Monico Puentevella.
Isa itong taunang pambansang programa sa larangan ng isports para sa mga kabataang atleta na edad 15 pababa. Layunin ng Batang Pinoy na maging pangunahing grassroots sports program ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang suporta sa National Sports Development agenda ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, binibigyang pagkakataon ang mga out-of-school yout, mula sa iba’t ibang sektor at komunidad, na makibahagi sa iba’t ibang paligsahan sa isports.
Buo ang suporta ni Moreno kanina sa send-off ceremony para sa mga lalahok ngayong taon. Ayon sa alkade, nais niyang maramdaman ng mga batang atleta na ito ang suporta ng lungsod sa kanilang aktibidad.
Payo niya pa sa mga atleta, do your best and god will take care of the rest. | via Ghazi Sarip
