Manhunt operations laban kina Atong Ang at 2 pang akusado, nagpapatuloy; Ang, nasa bansa lang —PNP-CIDG

Patuloy ang pagsuyod ng Philippine National Police (PNP) sa maaaring kinaroroonan ng negosyanteng si Atong Ang matapos na ilabas ng Sta. Cruz, Laguna RTC Branch 26 ang warrant of arrest laban sa kanya at kapwa-akusado nito kaugnay pa rin ng nawawalang mga sabungero.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group Director, Maj. Gen. Robert Morico II, mayroon na silang hawak na siyam na pulis at anim na sibilyan na nasa restrictive custody sa Camp Crame na kabilang sa sinilbihan ng warrant of arrest.

Ilan sa mga kasong isinampa laban kay Ang ang 5 counts ng kidnapping with homicide at 6 na counts ng kidnapping and serious illegal detention.

Dagdag pa ni Morico, sa tulong ng iba’t ibang units ng Pambansang Pulisya isa isang sinusuyod ang mga pag-aaring lupain sa Metro Manila at Region 4A ni Ang upang maisilbi ang warrant of arrest at maaresto ang negosyante.

Kasunod nito, pinasusuko na rin ng opsiyal si Ang at harapin na lamang nito ang mga kasong isinampa laban sa kanya

Sino man pumigil at humadlang sa pagsisilbi ng warrant of arrest ay aarestuhin at kakasuhan ng obstruction of justice. I via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *