Isinusulong ni Kabayan Rep. Ron Salo ang House Bill No. 11477 o Church Recognition Act upang magtayo ng national registry at accreditation system para sa mga simbahan, sekta, at grupong panrelihiyon. Layunin nitong protektahan ang publiko laban sa mga pekeng relihiyon na ginagamit lang ang pananampalataya para kumita ng pera.
Ayon kay Salo, walang malinaw na regulasyon para matukoy ang mga lehitimong simbahan mula sa mga mapagsamantala. Dahil dito, may mga grupong nagsasamantala sa tiwala at donasyon ng kanilang miyembro.
Sakaling maipasa, ang panukala ay mag-oobliga sa mga relihiyosong grupo na magparehistro sa SEC at Philippine Statistics Authority (PSA) upang magkaroon ng legal na personalidad para sa tax exemption, property transactions, at pagsasagawa ng kasal.
Pero hindi sapilitan ang rehistrasyon para sa malalaking simbahan tulad ng INC, Ang Dating Daan, Catholic Church, Islam, at iba pang matagal nang kinikilala sa bansa.
Sabi ni Salo, dapat balansehin ang kalayaan sa pananampalataya at pananagutan ng mga relihiyosong grupo upang maprotektahan ang publiko laban sa mga mapanlinlang na kulto at pekeng lider. | via Allan Ortega | Photo via Dreamstime
Mandatory SEC at PSA registration para sa mga religious group isinusulongPHOTO: Dreamstime
