Mandatory random drug test, isinusulong sa Senado

Pormal na sumulat si Senate Minority Leader Vicente Sotto III kay Senate President Francis Escudero na hilingin ang pagpapatupad ng mandatory random drug testing sa mga ospiyal at empleyado ng Senado.

Ito ay matapos ang mga ulat na may staff na gumamit umano ng marijuana sa loob ng isang comfort room sa Senado.

Ayon kay Sotto, layon ng kanyang rekomendasyon ang pagpapanatili ng drug-free workplace at matiyak ang moral at integridad sa mga kawani nito.

Binanggit din nito na noong 2018 na siya pa ang Senate president ay nakapagsagawa sila mandatory random drug testing. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *