Mandatory education, itinutulak para iwas-lito sa WPS

May panawagan ngayon para sa isang batas na magtatakda ng pagtuturo tungkol sa West Philippine Sea sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa gitna ng tumitinding usapin sa West Philippine Sea, iginiit ni Akbayan Party-list Representative Atty. Chel Diokno na kailangang palawakin ang kaalaman ng publiko hinggil sa karapatan at hangganang pandagat ng bansa.

Hinimok ni Diokno si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-certify as urgent ang House Bill No. 1625 o ang panukalang West Philippine Sea Mandatory Education Act of 2025 at nanawagan sa kanyang mga kasamahan sa Kamara at Senado na agarang kumilos.

Aniya, mahalagang lubos na maunawaan ng mga Pilipino, lalo na ng kabataan, ang ating mga karapatan, kasaysayan, at ang mga batas na nagpapatibay ng ating pagmamay-ari ng teritoryo, kabilang ang pagkapanalo natin sa China sa arbitral ruling noong 2016.

Inihayag ito ni Diokno sa gitna ng mga tanong at maling interpretasyon ukol sa arbitral award, partikular sa pahayag na umano’y wala itong malinaw na coordinates o hangganan at kaya’t hindi raw dapat ituring na ganap na desisyon.

Itatakda ang Department of Education bilang pangunahing ahensiyang magpapatupad ng nasabing panukala sa oras na maisabatas ito. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *