Mananaya sa NCR, wagi sa P72-M Grand Lotto jackpot

Isang mananaya mula Novaliches, Caloocan City ang tumama sa winning combination na 03-54-24-36-18-46, kaya napanalunan niya ang ₱72.3 milyon jackpot ng Grand Lotto 6/55, ayon sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes.

Bukod sa kanya, may 6 na nanalo ng ₱100,000 para sa limang tamang numero, habang 388 bettors ang tatanggap ng ₱1,500 (apat na tama), at 10,067 naman ang makakakuha ng ₱60 (tatlong tama).

May 1 taon ang mga nanalo para i-claim ang premyo ayon sa RA 1169 (PCSO charter). Lahat ng jackpot prizes ay dapat kunin sa PCSO main office sa Shaw Blvd., Mandaluyong. Kailangan ang dalawang valid ID at pirma sa likod ng ticket. May 20% tax ang mga panalong higit sa ₱10,000 batay sa TRAIN Law. Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.

Paalala ng PCSO: Suportahan ang mga laro ng PCSO dahil napupunta ito sa mga programang pangkawanggawa. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of PCSO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *