Malaking tulong ang hustisya sa barangay ayon kay Remulla

Mahalaga ang Lupong tagapamayapa o Barangay Justice System sa populasyon ng kulungan at detention centers sa pamamagitan ng pagsasaayon ng alitan sa barangay pa lamang, yan ang pahayag ng Department of Interior and Local Government.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, mas puno pa ang mga preso kung walang lupon ng barangay.

Samantala, naganap ang Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) kamakailan kung saan kinikilala ng pamahalaan ang mga lupon na nagpapakita ng huwarang pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay.

Dagdag pa rito, binigyang-pugay naman ni Remulla ang mga lupon sa pagpapanatili ng peace building sa pamamagitan ng amicable settlement. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *