“Malaking kasinungalingan,” ang bayad umano ng First Lady ang mga nanggulo

Tinawag ng Malacañang na “malaking kasinungalingan” ang pahayag ni dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na bayaran umano ng kampo nina First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez ang mga nakamaskarang nanggulo sa anti-corruption rally.

Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, hindi dapat isisi kay First Lady Liza ang pananakit sa pulis para magdulot ng tensyon malapit sa Palasyo. Idinagdag pa ni Castro na si Singson ay “makakalimutan” at kilalang Duterte supporter na minsang nanawagan pa raw sa kabataan na mamuno sa rebolusyon laban sa gobyerno.

Hinimok din ng Malacañang ang DOJ at PNP na imbestigahan si Singson kaugnay ng umano’y mapanulsol na panawagan para sa isang “rebolusyon laban sa korapsyon.” | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *