Malaking bawas-presyo sa gasolina inaasahan sa Semana Santa

Inaasahan ang malaking rollback sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene sa darating na Holy Week, ayon sa Department of Energy (DOE)!


TANTYANG BAWAS-PRESYO:
• Gasolina: P3.30 – P3.75 kada litro
• Diesel: P2.90 – P3.40 kada litro
• Kerosene: P3.40 – P3.50 kada litro
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Asst. Dir. Rodela Romero, galing ang pagtatayang ito sa 4 na araw na trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS).


BAKIT BABABA ANG PRESYO?
• Lumalalang tensyon sa kalakalan ng US at China—baka magdulot ng resesyon at humina ang demand sa langis.
• Binabaan ng Saudi Arabia ang presyo ng krudo para sa Asia.
• Magpapabilis ng produksyon ang OPEC mula 135,000 to 441,000 barrels per day ngayong Mayo!


Opisyal na inaanunsyo ng fuel companies ang price adjustments tuwing Lunes, at epektibo ito ng Martes.
Ngayong linggo, bahagyang may bawas na sa presyo — pero sa susunod, mas malaki ang bagsak-presyo! | via Allan Ortega | Photo via graff.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *